Friday, November 5, 2010

Tignan at Pagmasdan


Anong nangyari sa ating kalikasan?
Ganito ba ang ating kinalakihan?
Mga puno'y unti-unting namamatay
Pinuputol hanggang mawalan ng saysay

Marami pa tayong pwedeng gawin dito
Magtanim! Solusyon sa pr0blemang ito
Mga bagay, ating pakahalagahan
Ating kalikasan ay ating ingatan

Ang mga basura'y itapon sa lalagyan
Mga kalat natin ay 'wag nating hayaan
Tayo ay magbago, dapat patunayan
Dahil ang kalikasan ay kayamanan

Ngayon ating tignan at pagmasdan ito
Di ba't maganda ang buhay natin dito
'Wag hayaang masira ang kalikasan
Ito ay alagaan magpakailanman

1 comment: