Wednesday, August 11, 2010

Paano na?


Sinabi ni Dr. Jose Rizal noon na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Marami sa atin ang naniniwala na tayo talaga ang pag-asa ngunit may ilan sa atin ang tumataliwas sa kanilang panininwala. Naisipan nyo na bang itanong ito sa inyong sarili?

Sa aking palagay, tayo ang lakas na nagsisilbing inspirasyon ng mga matatanda upang lumaban at patuloy na ipamana sa'tin ang pagpapa-unlad ng ating bayan. Tayo ang kanilang pangarap at pag-asa upang mas maging matatag ang pundasyon para sa ikagaganda ng bayan. Tayo ang karunungan at ang panibagong sigla ngunit bakit tayo nasasangkot sa mga masasamang gawain at kaharasan sa ating lipunan? Marami sa mga kabataan ang mismong sumisira sa kanilang buhay. Masyado tayong naiimpluwensyahan ng teknolohiya at mga masasama sa ating paligid. Namumulat na tayo sa landas na hindi dapat tahakin katulad na lamang ng pagiging mapusok sa panahon natin. Masyado tayong mulat sa panahon ngayon, natututunan na nating uminom, manigarilyo at malulong sa droga. Tayo ay nagiging matamad dahilan upang tayo ay napupunta sa pagiging materialistic. Tayo ay masyadong umaabuso at ibinabase na lang sa teknolohiya ang takbo ng ating buhay. "I was born to party, not to study" Tama ba ito? Ang iba ay himihinto sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pera, ang iba ay mas gustong tumambay kesa mag-aral.

Tayo ay dapat maging simula ng pagbabago. Mataas ang ekspektasyon ng mga matatanda at mas nakakatanda sa atin dahil sila ang gumagabay sa atin upang maging mabuti ang ating buhay at gumanda ang ating kinabukasan. Lagi nating tandaan na tayong mga kabataan ang gabay sa pagtanda ni lolo at lola na hanap ay kalinga at pagmamahal. Ang mga matatanda ang gabay at daan upang tayo ay maging pag-asa ng bayan. Tayo ay mangarap, gumawa at huwag matakot sa mga suliranin. Ipaglaban ang tama, magtiwala sa Diyos at gagabayan niya tayo tungo sa magandang bukas.

1 comment: